Martes, Oktubre 13, 2015

ISIP-PUSIT


Tanghali noon, tapos na ang tatlong subject ko. Lumabas kami ng mga kaibigan ko para kumain ng tanghalian. Sabi ni Rej, "Saan tayo kakain?" "Gusto ko ng Pusit!", mabilis kong sagot. "Ay oo!" sang-ayon niya dahil paborito niya ito. Kaya pumunta kami sa isang karenderyang alam naming nagluluto ng pusit. 
Kahit hindi namin alam kung nagluto sila ng araw na iyon ay pumunta pa rin kami. Pagdating namin dun, bigla siyang bumulalas ng, "May pusit nga, ang galing mo!" 
"Ganun talaga, kung ano ang inisip mo yun ang mangyayari. That is the Law of Attraction," sagot ko sa kanya.
Dahil malakas ang paniniwala ko na nagluto sila ng pusit sa araw na iyon ay yun talaga ang nangyari.

Ang pusit sa kwento ay parang pangarap 
natin. Kung iisipin, sasabihin, isasapuso
at dadasalan siguradong maaabot natin ito
kasabay ng MATINDING AKSYON! 
Ikaw, isip-pusit ka ba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento